-- Advertisements --

Tuloy-tuloy umano ang pag-monitor ng Correctional Institution for Women (CIW) sa mga inmates doon matapos magpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 18 mga bilanggo at isang jail personnel.

Matatandaan na isang babaeng inmate ang dinala sa ospital at nakumpirmang positibo sa naturang virus.

Ayon kay Corrections Superintendent Virginia Mangawit, aabot sa 42 inmates at siyam na medical staff na nakatalaga sa piitan ang isinailalim na sa COVID test sa tulong ng Philippine Red Cross.

Ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay pawang may mga mild symptoms lamang ng virus habang ang iba naman ay asymptomatic o walang nakitaang sintomas.

Sa isang pahayag tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) patuloy na mino-monitor ang mga ito at binibigyan ng mga vitamins, gamot at food supplements para mapalalakas ang kanilang immune system.

Nitong nakalipas na Sabado, una nang kinumpirma ng BuCor na isang 72-anyos na inmate sa women’s correctional ang nagpositibo sa virus.

Narito pa ang bahagi ng statement ng BuCor:

Screenshot 2020 04 21 15 23 14 35