Magiging puspusan umano ang hiring ng nasa 17,000 na mga bagong karagdagang puwersa ng pulis ngayong taon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ang naturang mga pulis ay ide-deploy sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mahalaga raw ang papel ng mga pulis sa ngayon dahil na rin sa nararanasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic lalo na sa isyu ng seguridad ng ating mga kababayan.
Muli namang iginiit ng PNP Chief na walang padrino system sa pagkuha ng mga bagong pulis dahil talagang dadaan ang mga ito sa butas ng karayom.
Bagamat anim na buwan na lamang itong uupong PNP chief, tiniyak naman niyang gagawin niya ang lahat para sa kanyang mga isinusulong na programa at mga polisiya sa pambansang pulisya.