-- Advertisements --

Nasa 1,691 na backlogs pa ang hahabulin ng ilang laboratoryo sa bansa para ma-validate na at mai-report ng Department of Health bilang mga bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, muling umakyat sa higit 1,000 ang laboratory backlogs dahil ilang operational issues na naitala sa nagdaang weekend.

Kabilang na dito ang pagkasira ng pasilidad sa Western Visayas Medical Center. Buti na lang daw at agad na natapyasan ng nasabing ospital ang naunang backlog nito, kaya nasa 505 na lang ang samples na kailangan nilang i-proseso.

May 353 ding backlog sa Research Institute for Tropical Medicine, habang mula sa iba pang laboratoryo ang natitirang bilang.

Nilinaw ng opisyal na hindi itinigil ng ahensya ang pagre-report sa mga bagong kaso ng sakit dahil sa bagong classifications na ipinatupad ng kagawaran sa paguulat.

“Wala tayong itinigil actually. Yung ating mga nirereport dati na total confirmed cases binreakdown lang natin sa fresh and late. We did not withold any report or any numbers na inilalabas.”