Ngayong hapon inaasahan ang pagdating sa Pilipinas ng halos 200 Pinoy na ire-repatriate ng gobyerno mula Macau dahil sa banta ng novel coronavirus disease (COVID-19).
May total na 167 ang Pilipinong uuwi mamaya lulan ng isang chartered flight ng Air Macau na lalapag sa NAIA Terminal 1.
Ang 137 sa mga ito ay undocumented at irregular OFWs, habang ang 20 ay registered members ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Asec. Eduardo MeƱez, may mga stranded Pinoy tourists din na kasali sa bilang.
Ito daw yung mga naapektuhan at na-standed nang magpatupad ng travel ban sa Macau.
Pati na mga turistang naghahanap sana ng trabaho na hindi dumaan sa POEA.
Hindi na dadalhin sa Athlete’s Village ng New Clark City ang Macau repatriates dahil home quarantine lang daw ang ire-rekomenda sa mga ito.
Pero kung matutukoy sa monitoring na meron sa kanila ang makikitaan ng sintomas ay agad daw na dadalhin sa ospital.
Sa ngayon nananatili pa rin ang implementasyon ng travel ban sa Macau, tulad ng ipinatutupad sa China at Hong Kong.