-- Advertisements --

eleazar1 1

Suportado ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang inilabas na mga resolusyon ng National Police Police Commission (NAPOLCOM) na nagpataw ng parusa sa 166 na pulis mula noong Marso hanggang sa kasalukuyan.

Sa bilang na ito, 75 na mga pulis ang natanggal sa serbisyo, 48 ang pinatawan ng demotion at 43 iba pa ang sinuspinde.

Ayon kay Eleazar, patunay ito na gumagana ang internal cleansing program ng PNP.

Giit ng PNP chief, hindi kukunsintihin ng PNP ang mga maling gawain ng kanilang mga miyembro.

Siniguro naman ni Eleazar na dumaan sa mabusising imbestigasyon ang mga kasong administratibong inihain laban sa mga police scalawag at nasunod din ang due process.

Dagdag ng PNP chief, makakaasa ang publiko na magpapatuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling pulis at pagsibak sa serbisyo sa mga ito bilang bahagi ng kanyang commitment na linisin ang PNP.

“These 166 police scalawags who were sanctioned are proof that the police organization does not tolerate any wrongdoing or criminal involvement of our men, lalo na sa Napolcom hindi nila ito palalagpasin. Patunay lamang na gumagana ang mekanismo ng PNP sa pagdidisiplina sa ating mga kapulisan,” pahayag pa ni Eleazar.