Nakatakdang dumating sa Pilipinas bukas, Abril 9 ang 166 Pilipino kasunod ng kanilang repatriation mula sa Middle East.
Kinumpirma ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ngayong Miyerkules, Abril 8.
Kasama sa mga na-repatriate ang overseas Filipino workers (OFWs) kasama ang kanilang dependents na bumiyahe mula Kuwait patungong Saudi Arabia kaninang alas-tres ng madaling araw.
Ayon sa ahensiya, ito na ang ikalimang batch ng repatriated OFWs mula sa Kuwait, kung saan mas marami pang Pilipino ang inaasahang magbabalik bansa ngayong linggp.
Pagkarating ng mga repatriated Filipinos sa bansa, bibigyan sila ng kaukulang tulong kabilang ang welfare checks, pagkain, at pansamantalang accommodation, medical, tulong pinansiyal at iba pa.
Sa kabuuan, mahigit 4,000 OFWs habang 900 na hindi overseas workers ang na-repatriate mula nang sumiklab ang tensiyon sa Gitnang Silangan.
















