Macau OFW covid coronavirus DFA repatriates

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang ipinapakitang sintomas ng COVID-19 ang 163 Filipinos na ni-repatriate mula Macau.

Sinabi ni Foreign Affairs Asec. Ed Meñez sa Laging Handa press briefing sa Malacañang na ang mga ito ay kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine.

Magugunitang noong Sabado, iniuwi ang 163 stranded Filipinos sa Macau dahil sa ipinatutupad na flight cancellations.

Ang 130 sa nasabing bilang ay OFWs, turista, menor de edad, senior citizens, limang sanggol at 28 OWWA members.

Samantala, tiniyak ni Asec. Meñez na mahigpit na mino-momitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa iba’t ibang panig ng mundo kasunod ng pagdami ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19.

Handa umano ang pamahalaang iuwi ang mga naiipit o stranded pa nating mga kababayan mula sa mga bansang may kaso ng new coronavirus disease.

OFW Macau Covid face masks coronavirus DFA