Umabot na sa 16 na mga tricycle ang na-impound sa lungsod ng Maynila dahil sa overcharging at paglabag sa physical distancing protocols.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, na karamihang mga tricycle drivers na kanilang inaresto na pumapasada sa bahagi ng San Lazaro, Blumentritt area sa Sampaloc at sa Pandacan.

Bukod sa nasabing mga paglabag ay may ilang mga tricycle drivers pa rin ang walang kaukulang lisensya.

Tiniyak ng alkalde na patuloy ang gagawin nilang pag-aresto sa mga abusadong tricycle sa nasabing lungsod.