-- Advertisements --

IATF4

Kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na may inaasahang 16 million doses ng COVID-19 vaccine ang nakatakdang i-deliver sa bansa ngayong buwan ng Hulyo, kung saan higit 3 million na ang dumating sa mga nagdaang araw.

Sinabi ni Nograles, sa katapusan ng buwan nasa 32 o 33 million vaccine doses na ang natanggap ng Pilipinas simula sa first delivery noong Feb. 28, 2021.

Ayon sa opisyal, as of July 9 mayroon ng higit 20 million vaccine ang dumating sa bansa, at kararating lamang ng Sputnik V.

Sa kabuuang bilang, higit 10.4 million doses ang binili ng gobyerno, seven million mula sa COVAX facility, mahigit dalawang milyon din mula bilateral donations, habang ang iba ay mga initial deliveries ng LGU at private sector-procured doses.

Ang latest batch ng vaccine na dumating sa bansa noong Sabado ay ang 37,800 doses ng Sputnik V vaccine at nuong Biyernes nasa 132,200 doses naman ang nai-deliver.

Mahigit dalawang milyon doses naman ng AstraZeneca vaccine ang dumating mula sa COVAX facility, habang nasa isang milyon doses naman ang ibinigay ng Japan.

Kabilang sa mga supplies na inaasahang darating ngayong buwan ay ang mga vaccine mula sa Johnson & Johnson mula “sharing agreement sa United States”, COVAX, Moderna, Pfizer, at Sinovac.

Dagdag pa ni Nograles sa buwan ng Agosto nasa 14 million doses pa ng vaccine ang nakatakdang darating sa bansa.