Sumampa na sa 8,860 ang kabuuang Covid-19 cases na naitala ng Philippine National Police (PNP) matapos nadagdagan ng 16 na bagong kaso.
Ang 16 na bagong cases naitala sa ibat ibang units ng PNP.
NHQ-1; NOSU -6; NCRPO-1; PRO2 -1; PRO4A-1; PRO 11- 2; PRO 13 – 2; PRO BAR-3
Sa datos na inilabas ng PNP Health Service, nasa 23 naman na mga pulis ang nakarekober sa sakit kung saan nasa 8531 na ang total recovery cases ng Pambansang Pulisya.
Nananatili naman sa 27 pulis ang nasawi sa Covid-19.
Sa ngayon nasa 302 active cases ang mahigpit na mino monitor ng PNP Health Service.
Ayon kay PNP ASCOTF Commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, sa kabuuang bilang ng mga active cases na naitala ng PNP, 10 dito ang naka confine sa hospital habang 292 ang nananatili sa quarantine facility.
Iniulat din ni Eleazar na as of December 26,2020 nasa 76,995 Police personnel ang isinailalim sa RT-PCR test habang nasa 143,057 naman ang wala pang RT-PCR o swab test.