Arestado ang isang 16-anyos na Syrian immigrant dahil sa tangkang pagsasagawa nito ng terror attack sa Norway.

Ayon sa intelligence service ng Norway na PST, ilang taon na nanirahan sa Oslo ang suspek at kasama doon na plinano ang pang-aatake.

Magiging matindi aniya ang perwisyo nito sa lugar sakaling ito ay matuloy.

Hindi naman inilabas ng mga otoridad kung anong lugar ang target nito o ang grupong kinaaniban ng suspek.