-- Advertisements --
Nahaharap sa patong-patong na kaso kabilag ang rape, pananakit at sexual assault ang panganay na anak ng crown princess ng Norway na si Marius Borg Hoiby.
Si Hoiby ay anak ni Crown Princess Mette-Marit at stepson ng susunod sa trono na si Crown Prince Haakon.
Taong 2024 ng siya ay inaresto ng Oslo Police sa Norway dahil sa umanoy rape, pananakit at criminal damage.
Ayon kay Oslo Police Attorney Andreas Kruszewsk na nakikipag-cooperate naman sa imbesitgasyon si Høiby.
Ang mga ebidensya sa kaso ay mual sa sources kabilag ang text-messages, testimoniya at police searches.
Sinabi naman ni Defense attorney Petar Sekulic na sineseryosong sagutin ni Hoiby ang mga kaso subalit itinatanggi nito ang anumang mga alegasyon.