-- Advertisements --

Ibinahagi na ng Philippine National Police (PNP) ang monetary reward sa ilang mga civilian informants na naging susi sa pagkakaaresto sa mga may kinakaharap na kaso.

Pinangunahan ni PNP Chief PGeneral Jose Melencio Nartatez Jr ang pamamahagi ng cash rewards na nagkakahalaga ng kabuuang P9.275 milyon sa ilang mga informants.

Dahil sa impormasyon na ibinahagi ng mga informants ay naaresto ang nasa 21 katao na may kinakaharap ng mga iba’t-ibang kaso.

Ang mga kaso ay kinabibilangan ng murder, frustrated murder, attempted murder, robbery, robbery with multiple homicide, grave coercion, theft, kidnapping with murder, kidnapping and serious illegal detention for ransom, large-scale swindling, syndicated estafa, arson, rape, statutory rape, acts of lasciviousness, sexual assault, rape by carnal knowledge, violations of Republic Act No. 7610, violations of Republic Act No. 8353 in relation to Republic Act No. 7610, violations of Republic Act No. 9516, at violations of Republic Act No. 10591.

Tiniyak ng PNP na mas lalo pa nilang papaigtingin ang pakikipagtulungan sa mga mamamayan at papalakasin ang kanilang intelligence gathering para maaresto ang mga pinaghahanap ng batas.