Reading Time: 2 minutes
Screenshot 2019 06 24 14 11 00
Cebu Map

CEBU – Arestado ang limang suspek sa pag-gang rape sa isang 16 taong gulang sa Marigondon Proper, Barangay Marigondon, lungsod ng Lapu-Lapu.

Kinilala ang mga suspek na sina Steven Pino, 18 anyos; Judy De la Torre Ochea, 20 anyos; Johnric Teves Ferrater, 19 anyos; McClark Alvaro Aying, 22 anyos at isang menor de edad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Police Corporal Sahara Macawi-an, ang hepe ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Marigondon Police Station, sinabi nitong nadakip ang mga suspek sa pamamagitan ng isang entrapment operation sa loob ng convenience store sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Corporal Macawi-an na may isang concern citizen na naghatid sa biktima sa kanilang police station.

Aniya, nakita ng nasabing concern citizen na naglalakad sa kalsada ang biktima na umiiyak at nanginginig.

Dagdag pa ng WCPD na base sa pahayag ng mga suspek sinasabing ginawa na nilang libangan ang panggagahasa kapalit ng libu-libong pera.

Una nito, alas 10 ng gabi noong Setyembre 5 nagkita ang biktima ang isa sa mga suspek na si Aying na nakilala lang nito sa social media.

Dinala diumano ito sa isang bakanteng lote at doon nalaman ng biktima na may apat pang kasama ang kanyang inakalang kaibigan.

Alas 3 ng madaling araw noong Setyembre 6 nangyari ang gang rape kung saan binaboy diumano ang pagkababae ng biktima.

Nakatakdang isasampa ang kasong rape laban sa apat na mga suspek, at nasa kustodiya ng social welfare ng lungsod ng Lapu-Lapu ang menor de edad na suspek.