vehicular mendez cavite
Vehicular accident at Mendez town in Cavite (photo courtesy from RB Ongpauco Balinado III)

Umaabot naman sa 15 ang sugatan habang dalawa ang nasawi nang mawalan ng preno ang 18-wheeler truck sa bahagi ng bayan ng Mendez sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Mendez Disaster Risk Reduction and Management Office head Jeffrey Almansor, puno umano ng kargang buhangin ang truck nang mawalan ito ng preno hanggang sa sinagasa ang kumpol ng mga sasakyan sa kalsada.

Nangyari ang insidente kaninang dakong alas-7:20 ng umaga sa municipal road malapit sa simbahan.

Iniulat naman ng Cavite Provincial Police na kabilang sa sinalpok ng truck ay dalawang tricycle at isang jeepney na sa lakas ng impact ay bumaligtad.

Dalawa sa mga nasawi ay nagmula sa jeepney habang kritikal naman ang driver ng 18-wheeler truck.

Nagsagawa na rin ng clearing operations ang mga otoridad sa lugar.

Samantalang patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Cavite kung saan inimbitahan na rin sa himpilan ng pulisya ang mga pahinante ng truck.

vehicular mendez cavite
Vehicular accident at Mendez town in Cavite (photo courtesy from RB Ongpauco Balinado III)