CEBU CITY – Arestado ang isang menor de edad matapos itong nahulihan ng mahigit P9 million na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Sitio Mahayahay, Brgy. Calamba, sa lungsod ng Cebu.

Kinilala ang high value target na si alyas George, 15, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa hepe ng San Nicolas Police Station na si Major Kenneth Albotra na nahuli ang naturang subject matapos ang dalawang linggong surveillance nito.

Aniya, isinagawa ang transaction ng naturang menor de edad sa pamamagitan ng pagtawag umano nito sa customer sa cellphone.

Napag-alaman na nakakulong umano sa New Bilibid Prison ang ama ni alyas George.

Nasamsam naman ng PNP ang higit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P9.2 million.

Ikukustodiya naman ang naturang subject batay sa Operation Second Chance.