-- Advertisements --

Nasa ikalimang araw na sunod na mababa pa sa 1,500 ang naitatalang bagong nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang 1,474 na mga karagdagang kaso ng coronavirus.

Ang kabuuang COVID cases ay umaabot na ngayon sa 2,565.

Samantala mayroon namang naitalang 2,565 na mga bagong gumaling.

Ang mga nakarekober sa bansa mula noong nakalipas na taon ay nasa 2,755,526 na.

Gayunman marami pa rin ang nadagdag na mga pumanaw na umaabot sa 205.

Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay umaabot na sa 46,903.

Mayroon namang dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 18, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 5.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa ng DOH advisory. “15 duplicates were removed from the total case count. Of these, 13 are recoveries. In addition, 170 cases were found to have tested negative and have been removed from the total case count. Of these, 169 are recoveries. Moreover, 169 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”