-- Advertisements --

bukidnon1

Nilinaw ng pamunuan ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na nasa 10 miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nahuli ng mga operating troops ng 88th Infantry Battalion nuong September 8, 2021 matapos makasagupa ang nasa 20 miyembro ng NPA sa Barangay Mabuhay, San Fernando, Bukidnon.

Ayon kay 4th ID Commander MGen. Romeo Brawner, sa 10 NPA na nahuli anim dito ay mga lalaki, apat ang babae habang tatlo ang menor-de-edad.

Dalawa sa 10 naarestong NPA members ang sugatan at kasalukuyang ginagamot na.

Sinabi ni Brawner, agad sila nakipag-ugnayan kay Ms. Rebecca Marva, Municipal Social Welfare and Development Officer ng San Fernando, Bukidnon para i-turn-over ang tatlong menor-de-edad na nakilalang sina alias Jef,11-anyos, lalaki; alias Taburok, 17-anyos, babae at alias Daniel, lalaki at sinasabing 18-anyos subalit bina-validate pa ang edad nito sa kasalukuyan.

bukidnon

Pinuna naman ni MGen. Brawner ang komunistang NPA sa kanilang walang habas na paglabag sa childre’s human rights at sa International Humanitarian Law lalo na sa pag recruit sa mga minors.

” The NPA allowing minors to be with the group of armed men have clearly disregard the safety and welfare of the children. Instead of protecting tem, let them go to school and enjoy their childhood, the NPA tramples children’s rights by continuing to recruit minors who they can easily take advantage of and who are easily swayed by their false promises to join their senseless cause,” pahayag ni MGen. Brawner.

bukidnon4

Sa kabilang dako, pinuri ni Brawner ang mga tropa na matagumpay na narescue ang mga kabataan mula sa kamay ng NPA.

Samantala, dahil sa walang tigil na opensiba laban sa komunistang rebelde, nasabat ng pinagsanib na pwersa ng 88thIB at 2nd Scout Ranger Battalion ang nasa anim na high-powered firearms ang narekober at ang pagkakahuli sa apat pang NPA members matapos ang 30 minutong sagupaan sa Purok 10, Sitio Narulang, Barangay Laligan, Valencia City, Bukidnon nuong Biyernes, Sept. 10,2021.

bukidnon2

Ayon kay 88th IB Commanding Officer, Ltc. James Vingno, ang nasabing operasyon ay base sa impormasyon na ibinigay sa kanila ng ilang sibilyan hinggil sa presensiya ng armadong grupo sa lugar na agad nilang nirespundihan.

Sinabi ni Vingno, dalawa sa apat na NPA members na kanilang nahuli ay menor-de-edad na kanila ng iturn-over sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

” Nagpasalamat ko sa katawhang masa pinaagi sa paghatag sa report sa presensiya sa armadong NPA nga miresulta sa malampusong operasyon,” pahayag ni Ltc. Vingno.

Dagdag pa ng opisyal,” This is also a clear manifestation that the NPAs are not welcome in this already peaceful and insurgent-free community.”