-- Advertisements --
DOMINGO FDA VACCINATION PGH NTF
IMAGE | FDA director general Eric Domingo receives Sinovac’s vaccine shot during the “symbolic vaccination” program at the UP-PGH Monday, March 1/NTF, Facebook

MANILA – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may 13 kaso ng “adverse events following immunization” o side affect ang naitala kasunod ng pagtuturok kahapon ng CoronaVac vaccine ng Sinovac kahapon.

“There were 13 adverse events following immunization that was noted yesterday among all of these vaccinees in different hospitals,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire

Hindi binanggit ng opisyal kung alin sa anim na medical facilities na nagsagawa ng “symbolic vaccination” nitong Lunes ang nakapagtala ng mga insidente.

Pero nilinaw nito na karaniwang side effect lang ang naramdaman ng mga nakatanggap ng Chinese vaccine.

“All of them are common and minor adverse events.”

Ayon kay Vergeire, pito ang nakaranas ng pagtaas ng blood pressure, tatlo ang nakaramdam ng pananakit sa injection site, isa ang nagkaroon ng rashes, isa ang nakaramdam ng pananakit ng ulo, at isa ang nakaramdam ng pagsusuka.

“Wala sa kanilang na-admit, lahat sila ay inobserbahan, na-manage, and after a while they were all sent home.”

Magugunitang nag-ulat ang Veterans Memorial Medical Center ng ilang vaccine recepients na nakaramdam ng hilo matapos turukan ng Sinovac vaccine.

Batay sa datos ng Malacanang, 756 na indibidwal mula sa anim na ospital ang naturukan ng CoronaVac vaccine kahapon.

Umaasa naman ang pamahalaan na madadagdagan pa ang magpapa-bakuna ng Chinese vaccine para maabot ang target na “herd immunity.”

Ang mga ginamit na bakuna kahapon ay mula sa 600,000 doses ng donasyon ng China.