KORONADAL CITY – Inihahanda na ang kasong administratibo laban sa 13 mga kasapi ng Tantangan PNP matapos ang isinagawang inspeksyon ng National Police Commission (Napolcom).
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato Provincial Director Police Col. Joel Limson, ilan sa mga lapses o kakulangan na nakita ng mga kasapi ng Napolcom ay ang saradong pintuan at walang tao na naka-assign sa front desk.
Samantala, nakasalalay umano ang kapalaran ni Tantangan chief of police Captain Romeo Albano sa imbestigasyon kung ire-relieve rin ba ito o hindi.
Sa ngayon ay inilipat ang mga na-relieve na mga pulis sa South Cotabato Provincial Headquarters.
Binigyang-diin ng opisyal na bahagi ito ng internal cleansing operation ng PNP.
Sa kabilang banda, tiniyak nito ang mahigpit na seguridad sa gitna ng pagdiriwang ng Tnalak Festival 2019 sa lalawigan ng South Cotabato.