-- Advertisements --

Patay ang 13 katao habang 98 ang sugatan matapos ang pagkadiskaril ng tren sa Mexico.

Nangyari ang insidente sa Asunción Ixtaltepec, Oaxaca sa main line ng tren sa pagitan ng Veracruz at Salina Cruz.

Nagtulong-tulong ang mahigit isang daan navy personnel at rescue vehicle sa lugar.

Tiniyak naman ni Mexican President Claudia Sheinbaum, na ipinag-utos na niya ang imbestigasyon at tiniyak ang tulong sa mga pamilya ng biktima.

Ang nasabing train ay pinamumunuan ng Interoceanic Train links Mexico’s Pacific and Gulf coasts na nagsimula ang serbisyo nito noong 2023.