ILOILO CITY – Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may 13 na mga incumbent politicians sa Western Visayas ang napasama sa kanilang narco-list.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PDEA Region 6 Director Alex Tablate, sinabi nito na sa nasabing numero, pito ang mga re-electionist.

Ayon kay Tablate, ang nasabing mga politiko ay kasama rin sa kanilang dating listahan kung saan ito ay kinabibilangan ng mga vice mayor hanggang sa congressmen.

Ninilaw naman ni Tablate na ang nasabing listahan ay validated ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ani Tablate, posibleng madagdagan pa ang narco list dahil patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa iba pang mga pulitiko sa rehiyon na sinasabing may kaugnayan sa iligal na droga.