CENTRAL MINDANAO-Isinuko sa tropa ng militar ang mga matataas na uri ng armas sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga armas ay tinurn-over ng LGU-Talitay Maguindanao sa pangunguna ni OIC-Mayor Monel Sabal sa 90th Infantry Battalion Philippine Army.

Pormal na tinanggap ni 601st Brigade Commander Colonel Joel Mamon ang mga armas na isinuko ng mga sibilyan sa bayan ng Talitay.

Ang mga armas ay kinabibilangan ng isang homemade barret rifle, dalawang M16 rifles, isang M203 Grenade Launcher, isang M79 Grenade Launcher, isang Garand Rifle, isang Cal.45 pistol, dalawang Cal.38 revolver at apat na mga locally made na 12 guage shotgun at mga bala.

Ang pagsuko ng mga armas ay bahagi ng commitment ng Army Transformation Roadmap (ATR) sa pamamagitan ng Executive Order 70 or the “Whole of Nation Approach “ ng gobyerno.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng 60ist Brigade ang kampanya laban sa mga loose firearms sa Maguindanao.