Tinatayang nasa 13 hanggang 16 na bagyo ang asahan sa panahon ng La Nina phenomenon. Ito ang inihayag ni PAGASA Climatology at Meteorology Chief Ms Ana Liza Solis.
Paliwanag ni Solis ito ay dahil sa pag-init ng temperatura ng karagatan na malapit sa atin kaya mataas ang posibilidad na magkaroon ng pagbuo ng tropical cyclone o bagyo partikular sa huling quarter ng taon.
Sinabi ni Solis na nasa 13 hanggang 16 na bagyo ang mararanasan ng bansa at mas malapit ito sa kalupaan.
Aniya mas kakaunti ang bagyo na mararanasan ngayong taon kumpara sa average na nasa 19 hanggang 20 na bagyo kada taon na nararanasan ng bansa.
Asahan din na may mga bagyong mararanasan ang bansa na mapaminsala.
Dahil dito pinag-iingat ng weather state bureau ang publiko hinggil sa mga paparating na bagyo.
Ayon naman kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum mas maikli ang panahon na makapaghanda kaya ngayon pa lamang kanila ng inaabisuhan ang lahat na maghanda parati sa mga bagyo.
Inihayag ni Solidum sa mga ganitong sitwasyon ang DSWD ay mayruong standard operating procedure na mag preposition sa kanilang mga food at non-food items.