MANILA – Pumalo na sa 784,043 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas mula nang pumutok ang pandemya.
BREAKING: DOH reports 12,576 additional COVID-19 cases. Total infections jumped to 784K.
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 3, 2021
• Active cases – 165K
• Recoveries (599 new) – 604K
• Deaths (103 new) – 13K
• Positivity rate now at 24.2%
Seven labs weren't able to submit their data yesterday. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/rWCeb1vtDf
Ngayong araw ng Sabado, April 3, nadagdagan ng 12,576 ang kaso ng coronavirus. Ito na ang ikalawang pinakamataas na bilang ng new cases na iniulat ng Department of Health (DOH).
“7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on April 2, 2021,” ayon sa DOH.
Sumirit pa sa 165,715 ang kabuuang numero ng mga active cases o mga pasyenteng hindi pa gumagaling mula sa sakit. Itinuturing itong pinakamataas sa buong Southeast Asia.
Ayon sa DOH, 96.5% sa mga ito ay mild cases. Habang 2.2% ang asymptomatic; 0.5% ang mga severe at critical cases; at 0.30% ang moderate cases.
Kapansin-pansin naman ang pagsipa sa 24.2% ng positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa populasyong nagpa-test sa COVID. Ibig sabihin, isa ang nagpo-positibo mula sa apat na indibidwal na nagpapa-test laban sa sakit.
Sa tala ng Health department, aabot sa 33,800 ang sumailalim sa test kahapon, April 2.
Ayon sa World Health Organization, hindi dapat lalampas sa 5% ang positivity rate ng isang bansa.
Samantala nadagdagan ng 599 ang total recoveries, na ngayon ay nasa 604,905 na. Habang 103 ang nadagdag sa bilang ng total deaths, na aabot ng 13,423.
Nagpaliwanag ang DOH sa mataas na bilang ng bagong naitalang namatay ngayong araw.
“The relatively high number of deaths in today’s bulletin stems from the ongoing data reconciliation process with both the Philippine Statistics Authority (PSA) and our local Epidemiology Surveillance Units (ESUs). Rest assured that in the interest of accurate data, the Department of Health is exerting all effort to validate deaths as they are reported.”
“30 duplicates were removed from the total case count. Of these, 14 are recoveries.”
“Moreover, 48 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.” (with report from Bombo Dennis Jamito)