-- Advertisements --

Hihingi ng saklolo sa Kongreso sa susunod na linggo partikular sa 20th Congress ang ilang dating empleyado ng NAIA.

Ito ay para hilingin na imbestigahan ang umano’y napipintong malawakang tanggalan ng trabaho sa naturang paliparan.

Kasunod ito ng dagdag-singil na aabot umano sa 1000 porsyento sa lahat ng nangungupahan sa paliparan na pinaiiral ng New NAIA Infra Corporation.

Ayon kay Romy Sauler, dating vice president ng isang airline company association na 38 taon nagsilbi sa paliparan, may malaking koalisyon na binubuo ng mga manggagawa sa NAIA, at NGO para tutulan ang umano’y ipinatutupad na 300-1000 porsyentong taas ng mga singilin sa NAIA.

Aniya, sampung libong mga empleyado ng paliparan ang nanganganib na mawawalan ng trabaho sa mga susunod na araw.

Iginiit din ng grupo na ang kumpanyang NNIC ng SMC na nangakong maglalagak ng Php170 billion investment ng NNIC, na may kasama pang pangako na Php 1 trilyon na kita o share ang gobyerno sa loob ng 25 taon, ay malaking pasanin aniya sa mga ordinaryong pasaherong Pilipino, at sa maliliit na negosyante.