Kinumpirma ni Dr. Rosanna Buccahan ng Provincial Health Office (PHO) ng lalawigan ng Bataan ang 120 Chinese na nagpositibo sa sakit na dengue sa kanilang probinsya.

Ayon kay Buccahan, pawang trabahador na nasa iisang compound ang mga Tsino na nagkasakit.

Nabatid na may mga kasama ring Pinoy ang mga dayuhan ngunit wala namang gaanong nagkasakit sa grupo ng ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan, tinutugunan na umano ng PHO ang nasabing problema lalo’t punuan na ang mga ospital na may mga pasyenteng nabiktima ng dengue.