CENTRAL MINDANAO- Umaabot sa labing dalawang mga estudyante na nag-aaral sa Cebu at umuwi sa lalawigan ng Maguindanao ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) pandemic.
Ayon kay Maguindanao Integrated Provincial Health Office (IPHO) Chief Dra Elizabeth Samama na ang 12 na mga estudyante ay nag-aaral sa Cebu ang nakauwi sa Maguindanao alinsunod sa balik probinsya program ng pamahalaan.
Isinailalim ang mga mag-aaral sa swab test at nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Agad dinala ang mga estudyante sa Covid 19 isolation facility sa Maguindanao Provincial Hospital sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan.
Ang mga mag-aaral ay stranded sa Cebu mula pa noong buwan ng Marso at nakauwi lamang sa balik probinsya program ng gobyerno.
Sa ngayon ay pinaghandaan pa ng Provincial Government ng Maguindanao sa pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang mga uuwi sa probinsya na stranded sa ibat-ibang lugar sa bansa.