Nakatakdang imbetahan ng House Committee on Public Account si dating DENR Secretary Roy Cimatu sa isasagawang pagdinig ng komite.
Sesentro ang pagdinig sa kontrobersyal na Manila Bay Dolomite Beach project.
Ayon kay Committee Chairperson Terry Ridon, nais ng komite na malaman kung paano nagsimula ang proyekto at bakit ipinagpatuloy ito kahit na hindi ito kasama sa Manila Bay Sustainable Development Master Plan.
Paliwanag ni Ridon, si Cimatu ang may pangunahing responsibilidad sa rehabilitasyon ng Manila Bay bilang dating kalihim ng DENR.
Siya ay kabilang sa pagpaplano at pagpapatupad ng Dolomite Beach Project.
Gusto rin nilang malaman sa pagdinig kung ang proyekto ay naaayon sa Continuing Mandamus ng Korte Suprema tungkol sa paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay.










