Napanatili ng bagyong Uwan ang kaniyang lakas habang ito patungo na sa West Philippine Sea.
Base sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) , nakita ang sentro ng bagyo sa may 245 kilometers ng kanlurang hilagangkanlurang bahagi ng Laoag City, Ilocos Norte.
May taglay pa rin ito na lakas ng hangin na aabot sa 120 kph at pagbugso ng 150 kph.
Nakataas pa rin ang signal number 2 sa mga lugar ng Batanes, Cagayan kasaman na ang Babuyan Islands; ,Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, Roxas, Delfin Albano, San Pablo, Cabagan, San Manuel, Mallig sa Isabela; Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao; Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, La Trinidad, Sablan, Bakun, Buguias, Tublay sa Benguet; Ilocos Norte, Ilocos Sur; Luna, Caba, Santol, Bauang, City of San Fernando, San Juan, Bagulin, Aringay, Bangar, San Gabriel, Burgos, Naguilian, Bacnotan, Sudipen, Balaoan sa La Union; at sa mga bayan ng Bolinao, Anda, Bani, Agno sa lalawigan ng Pangasinan.
Habang nakataas ang signal number 1 sa mga lugar ng natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Benguet, natitirang bahagi ng La Union,natitirang bahagi ng Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon kasama na ang Polillo Islands,; Abra de Ilog, Sablayan, Mamburao, Santa Cruz, Paluan sa Occidental Mindoro kasama na ang Lubang Islands; Socorro, Gloria, Naujan, Bansud, Puerto Galera, Victoria, San Teodoro, Baco, Pinamalayan, City of Calapan, Pola sa Oriental Mindoro;Marinduque, Camarines Norte; Sipocot, Libmanan, Lupi, Del Gallego, Ragay, Cabusao sa Camarines Sur.
Inaasahan na tuluyang hihina ang bagyong Uwan pagdating nito sa karagatang sakop ng Taiwan sa araw ng Miyerkules, Nobyembre 12.
Pagkalabas nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng umaga ng Martes, Nobyembre 11 ay muli itong papasok sa PAR ng gabi ng Miyerkules, Nobyembre 12 habang ito ay mag-landfall sa souhtwestern Taiwan.
Ibinabala ng PAGASA na makakaranas pa rin ng pag-ulan sa mga lugar kung saan nakataas pa rin ang typhoon signal.
















