-- Advertisements --
Umabot daw sa mahigit 1,000 ang reklamo ng vote buying ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) na may kaugnayan sa isinagawang halalan noong Mayo 9.
Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, kabuuang 1,173 ang bilang ng natanggap nilang reklamo.
Kabilang na rito ang natanggap nilang mensahe sa Facebook na 933, 167 naman sa kanilang official email at 73 ang nai-report sa law department ng komisyon.
Sa naturang bilang nasa 12 ang verified na reklamo at ito ay docketed na sa law department o puwede nang isalang sa preliminary investigation.
Kasabay nito, tiniyak ni Laudiangco na tuloy-tuloy ang imbestigasyon ng komisyon sa mga napaulat na kaso ng vote buying sa naganap na halalan ngayong buwan.