KORONADAL CITY – Agad na isinugod sa pagamutan ang 11 sugatan matapos na magsalpukan ang isang prime mover at 6 wheelers closed van sa national highway sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Ayon sa kay P/Cpt. Samuel Bascon Jr, hepe ng Tupi PNP, nakaparada sa gilid ng daan sakop ng Brgy. Polunuling, Tupi ang prime mover truck nang binangga ng closed van.

Mabuti na lamang umano at hindi gaanong mabilis ang takbo ng prime mover kaya’t walang binawian ng buhay sa aksidente.

Sa ngayon nagpapagaling na sa Roel Senador Memorial Hospital ang driver at mga pasahero ng dalawang sasakyan.

Nagpapasalamat naman ang mga biktima sa mabilis na pagresponde ng pulisya, BFP Tupi sa pangunguna ni Fire Insp. Eugenio Mangilaya at ibang pang kasapi ng rescue team.

Nakahanda naman umanong mag-usap ang may-ari ng dalawang sasakyan para sa amicable settlement.