-- Advertisements --
PPEs Covid Duque Covid PGH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na may ipinatutupad na guidelines ang kagawaran kaugnay sa tamang paggamit ng personal protective equipment (PPE) ng mga healthcare frontliners ng COVID-19.

Ito’y matapos mabahala ang World Health Organization (WHO) sa mataas na bilang ng confirmed COVID-19 cases sa mga healthcare workers ng Pilipinas.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kaisa ng WHO ang DOH sa pag-iimbestiga kung may mga hindi sumusunod sa alintuntunin ng infection control sa mga health facilities.

Batay sa bagong datos na inilabas ng Health department, pumalo na sa 1,062 ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng sakit sa bansa.

Mula sa nasabing bilang, 422 ang doktor, 386 ang mga nurse at 30 ang medical technologists.

Mayroon ding 21 na radiologic technologists, 51 nursing assistants, 152 na mula sa iba pang health services tulad ng administrative workforce at barangay health workers.

Sa kasamaang palad, 26 mula sa kabuuang bilang ang namatay, kabilang na ang 17 doktor.

“Nakapaloob sa Department Memorandum 2020-0176 ng kagawaran ang guidelines tungkol sa paggamit ng PPEs angkop ayon sa gawain at lugar.”

“Bagamat patuloy ang procurement ng PPEs para sa healthcare workers, ang wastong paggamit ng PPEs ay isa lamang sa stratehiyang ginagamit upang protektahan ang frontliners.”

Sinabi rin ni Usec. Vergeire na may mga ginagamit ng negative pressure isolation room sa mga ospital para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

DOH Vergeire
DOH Usec. Rosette Vergeire