bello workers talk

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa kabuuang 101 overseas Filipino workers (OFW) na mga tinaguriang “runaway” at humingi ng tulong sa embahada ang nakatakdang umuwi sa Pilipinas sa September 24.

Ayon kay Bello ang mga nasabing OFWs ay mga “runaways” o tumakas sa kanilang mga employers kung saan ang iba ay nagtapos na ang kanilang kontrata at pauwi na ng bansa.

Sinabi ng kalihim, ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang tumulong sa mga OFWs para makauwi ang mga ito sa bansa.

Aniya, ang mga OFWs na tumakas sa kanilang mga employer ay bibigyan ng tulong para makauwi sa kani-kanilang mga lugar.