-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Isinagawa na ang ground breaking sa pabahay sa mga katutubo sa probinsya ng Cotabato.
Itatayo ang 100 housing units para sa mga Indigenous People o IPs housing project sa Brgy. Palacat, Aleosan, Cotabato.
Pangungunahan ito ng National Housing Authority (NHA) sa pakipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Aleosan.
Ito ay may lawak na apat na ektarya kung saan abot sa P20-million ang inilaan para sa nasabing proyekto.
Layon nito na matulungan ang mga IP’s, na kabilang sa mga Erumanen Ne Manuvu, na magkaroon ng disente at maayos na tirahan.
Nagpasalamat naman ang LGU-Aleosan sa proyekto ng NHA sa kanilang bayan.