-- Advertisements --

Sampung katao ang nasawi sa isang pag-atake ng ballistic missile ng Russia sa isang drone exhibition malapit sa Kyiv.

Ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelensky, mahigit 100 ang sugatan sa naturang pag-atake na dinaluhan ng mga miyembro ng sektor ng depensa.

Bukod dito, lima pang katao ang namatay sa lungsod ng Sloviansk matapos tamaan ng Russian glide bombs. Nagbabala si Zelensky na may impormasyon silang natanggap na posibleng magsagawa muli ang Russia ng malawakang missile strike sa loob ng 48 oras.

Samantala, anim ang patay at 26 ang sugatan sa Kirov, Russia matapos ang overnight strike ng Ukraine.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Ukraine kung bakit itinuloy ang naturang pampublikong exhibition sa kabila ng panganib.