CEBU CITY – Naka-admit ngayon sa pribadong hospital ang 10 katao matapos ma-rescue sa pagkahulog sa bangin nang sinasakyan nilang Toyota Fortuner sa Brgy. Sirao, lungsod ng Cebu, pasado ala-una ng hapon nitong araw ng Linggo.

Sinasabing nakaranas ng pananakit sa dibdib ang tatlo sa mga ito at nagtamo naman ng mga pasa at sugat ang iba.

Sa inisyal na ulat, overloaded daw ang sasakyan dahil maliban sa may 10 katao sa loob kasama na ang driver, may mga kargamento din na kinarga.

May seating capacity lang sa pitong katao ang nasabing sasakyan.

Kabilang din ang mga bata sa pasahero kung saan hindi pa matukoy ang edad ng mga ito.