-- Advertisements --
FB IMG 1587525070349

Kasunod ng paglobo ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga piitan, hiniling na ng Department of Justice (DoJ) sa Department of Health (DoH) na mabigyan sila ng 10,000 test kits para sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni DoJ Spokesperson at Usec. Markk Perete, gagamitin ang test kits sa mga preso na magkakaroon ng sintomas ng covid.

Mahigit 3,000 dito ay gagamitin daw para maisailalim na sa covid test ang lahat ng persons deprived of liberty (PDLs) na nakapiit ngayon sa Correctional Institution for Women (CIW).

Ganun din anIya ang iba pang inmates sa ibang penal colonies sa bansa na mayroong sintomas ng naturang virus.

Sa ngayon ay mayroon na rin umanong inmate sa New Bilibid Prisons (NBP) ang nagpakita ng sintomas at hinihintay na lang ang resulta ng kanilang covid test.

Kung maalala siyam na inmate ang nag-positibo ng covid sa Quezon City Jail noong nakaraang linggo habang kahapon 18 namang inmate at isang jail personnel ng CIW ang napaulat na nagpositibo sa naturang virus.