NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki sa gitna ng karambola ng tatlong sasakyan sa Maharlika Highway Barangay Isabang, Tayabas City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang binabaybay ng Truck Bus Higer na minamaneho ni Rolly Llagas Daño ang kalsada sa naturang lugar ng bigla na lamang itong nahagip ng Isuzu Carco Truck na minamaneho naman ni Joel Mandalihan Mangcao.

Kaugnay nito, nahagip din ng truck bus higer ang Mitsubishi Wagon na minamaneho naman ni Pedro Hernandez Atienza.

Dahil dito ay nagtamo ng sugat sa katawan ang pasahero ng cargo truck na si Melvin Guaño Emradura na agad namang isinugod sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.