-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang senior citizen habang sugatan naman ang anim na iba sa nangyaring banggaan ng isang motorsiklo at tricycle sa Maharkila Highway, P-2, Brgy. Binanuaan, Talisay, Camarines Norte.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Salome Maer Bobis, 62-anyos, habang sugatan naman si Nikko John Bobis, 24-anyos, driver ng motorsiklo, residente ng Purok 5 Sta. Rosa Norte, Jose Panganiban; Glenn Rali, 26-anyos, driver ng tricycle, residente ng Purok 2, Tabas Paracale, sa nasabing lalawigan, at mga pasahero nito na sina Levi Era, 56-anyos; Jeric Rali, 27-anyos; Donald Abendanio, 22-anyos; at Joel Balce, 24-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na habang binabaybay ni Rali sakay ng kanyang tricycle ang nasabing kalsada ng aksidente nitong masagi ang kaliwang bahagi ng motorsiklo na minamaneho ni Nikko na mula sa kabilang direksyon.

Dahil sa nasabing insidente nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawang driver maging ang angkas ni Nikko na at mga pasahero ni Rali.

Samantala, agad naman na dinala sa ospital ang mga ito ngunit ideklara rin ng mga doktor na dead on arrival si Salome.

-- Advertisement --

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad si Rali at ang mga behikulong dawit sa nasabing insidente para sa karampatang disposisyon.