-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isinailalim sa localized lockdown ang isang purok sa bayan ng Pigcawayan, Cotabato.

Ito ay matapos isumite ng Pigcawayan Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang Resolution 2020-07 sa Department of the Interior and Local Government (DILG-XII).

Batay sa naturang resolusyon, isinailalim sa lockdown ang Purok Zone 2, Brgy. Presbitero, Pigcawayan mula September 24 at tatagal ng hanggang October 9 matapos pumanaw ang isang COVID-19 patient sa bayan.

Kung maaalala, pumanaw ang 66-anyos na pasyente sa Pigcawayan dalawang araw bago pa lumabas ang resulta ng kaniyang swab test.

Ayon sa Cotabato-IATF, mananatiling epektibo ang naturang lockdown maliban na lamang kung ito ay hindi papayagan ng Regional IATF.

Samantala, tiniyak naman ng Cotabato-IATF na patuloy ang ginagawg contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng namatay na pasyente.