Nagtala ng isang kata na patay sa pagguho ng bubungan ng sports complex sa St. Petersburg, Russia.

Nakatakda kasing i-demolish ang nasabing sports complex subalit aksidenteng bumagsak ang bubong nito.

-- Advertisement --

Patakbo palabas sana ang biktima subalit hindi na nito nakayanan.

Agad namang nailabas ang bangkay ng 29-anyos na biktima mula sa mga gumuhong pader.

Isa kasi ang biktima sa apat na empleyado ng demolition company na puputol sa metal cables para sa pag-dismantle ng bubungan ng sports and concert complex.

Itinayo ang SKK Petersburgskiy noong 1980 kung saan dito ginanap ang mga concerts at ibang sports event.

Sinira ito para tayuan ng bagong sports complex para sa Ice Hockey World Championship sa 2023.