GENERAL SANTOS CITY – Patay ang isang indibidwal habang walo pa ang naisugod sa pagamutan dahil sa diarrhea na tumama sa Brgy. Upper Suyan, Malapatan, Sarangani Province.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, sinabi ni Malapatan Mayor Jun Sumbo na nagsagawa na ng assessment sa lugar ang mga medical team na ipinadala ng lokal na pamahalaan.

Kinilala ang nasawi na si Francisco Managka, purok chairman ng Sitio Anduway sa nabanggit na barangay.

Isa sa itinurong sanhi ng pagsakit ng tiyan ng mga residente ay ang tubig na kanilang iniinom mula sa deep well na nasa gilid ng ilog.

Tinutugunan na ng Municipal Health Office ang problema upang hindi na madagdagan ang mga biktima.

-- Advertisement --

Sa naging pahayag ng alkalde, mayroong katulad na kaso nangyari noon sa Lower Kyugam at Sitio Kakub ng Upper Suyan.