-- Advertisements --

Isa na ang kumpirmadong namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Maymay.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang namatay ay mula sa Cagayan Valley.

Wala pa namang napaulat na nawawala hanggang sa ngayon.

Sa ngayon, nasa 43,000 na katao naman ang apektado ng pananalasa ng naturang bagyo.

Ang 43,721 katao o 11,503 na pamilya ay apektado mula sa 196 barangay sa Cagayan Valley ar Cordillera Administrative Region (CAR).

Karamihan sa mga ito o ang nasa 41,918 na mga indibidwal ay mula sa Cagayan Valley ay sinundan ng Cordillera na nasa 1,803 katao.

Ngayong linggo, base sa datos ng NDRRMC, nasa 127 ang displaced people o 32 na mga pamilya ang nananatili sa limang evacuation centers habang ang 204 displaced people o 200 families ay naninirahan sa labas ng mag evacuation centers.

Inilikas naman ang 261 katao o 91 na pamilya sa Cagayan Valley due to Maymay.

Nagresulta rin ang tropical depression sa pagbaha ng 54 areas, 10 impassable roads at dalawang impassable na mga tulay.

Nasa 37 pasahero at 26 rolling cargoes ang stranded sa Calabarzon dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa NDRRMC nasa P4,936,732.53 na halaga na ng family food packs ang naipamahagi sa 8,412 na apektadong mga residente ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.