CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang driver habang sugatan naman ang nasa 30 pasahero matapos mahulog ang kanilang sinakyang Super Five Bus sa bangin sa Purok 7, Upper Puerto, lungsod ng Cagayan de Oro.

Kinilala ang namatay na driver na si Rito Reyes, 47-anyos, residente ng Bangontaas, Valencia City, Bukidnon.

-- Advertisement --

Sinabi ni Lt. Guillermo Zabala ng Puerto Police Station, galing sa Bukidnon ang bus at papasok sana sa lungsod ngunit pagdating sa lugar nawalan ng kontrol ang driver dahil sa madulas na daan kung kayat dumiretso at nahulog sa bangin may taas na 20 talampakan.

Habang ang mga sugatang pasahero ay patuloy pang ginagamot sa magkaibang ospital sa lungsod.