-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isa katao ang nasawi at tatlo ang malubhang nasugatan sa nabuwal na punong kahoy dakong alas 10:00 kagabi sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Edwin Bayawan habang sugatan ang kanyang mga anak na sina Jessie,23 anyos,Jerome,24 at Jigger 15,mga residente ng Brgy Ilomavis Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Officer Psalmer Bernalte na habang natutulog ang mga biktima sa kubo sa kanilang sakahan sa paanan ng Mount Apo na sakop na ng Magpet Cotabato.

Sa kasagsagan ng ulan at malakas na hangin isang punong kahoy ang nabuwal at tumama sa kubo kung saan natutulog ang mga biktima.

Patay on the spot si Edwin Bayawan ng maipit sa malaking puno ng kahoy habang sugatan ang kanyang tatlong anak.

Pahirapan rin ang pagkuha ng bangkay ng biktima at mga sugatan dahil nasa tuktok ito ng bundok at umabot pa ng walong oras nang maibaba ito sa Kidapawan City.

Ang bangkay ni Bayawan ay agad inilibing habang patuloy na ginagamot ang tatlong anak nito sa ospital.