CENTRAL MINDANAO- Patay na ng dumating sa pagamutan ang isang magsasaka at sugatan ang kanyang kasama sa pananambang sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Anwar Saguira at sugatan naman si Esmael Mariga,mga magsasaka at mga residente ng Brgy Bungabong Sultan Mastura Maguindanao,

Ayon sa kwento ng mga kamag-anak ng mga biktima na sakay sila ng motorsiklo sa Brgy Balut sa bayan ng Sultan Mastura nang tambangan ng mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan.

Agad namang tumalilis ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa Sultan Mastura Maguindanao.

Ang mga biktima ay agad dinala sa pagamutan ng mga nagrespondeng pulis ngunit hindi na umabot ng buhay si Saguira habang nasa maselang kondisyon si Mariga.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa pananambang sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.