-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga bagyong mino-monitor ng Pagasa, matapos maging tropical depression na ang low pressure area (LPA) sa silangan ng ating bansa.

Ayon sa weather bureau, namataan ito sa layong 2,550 km sa silangan ng extreme Northern Luzon o nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR).

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Pero halos hindi ito umuusad sa mga nakalipas na oras.

Habang ang typhoon Julian na nasa loob pa ng PAR ay patuloy naman ang paglakas.

Huli itong namataan sa layong 700 km sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 155 kph at may pagbugsong 190 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 35 kph.

Habang habagat naman ang nakakaapekto sa Central at Southern Luzon.