-- Advertisements --

Isang katao na ang napaulat na namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Henry sa Ilocos region.

Ito ay base na rin sa pinakahuling data mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pero patuloy pa raw na bini-verify ng NDRRMC ang napaulat na casualty at ito ay nananatiling subject for validation.

Una rito, wala namang napaulat na nasaktan o nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng naturang bagyo na nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) kaninang umaga.

Pero mayroon namang 110 na pamilya ang na-displace o 321 na katao sa apat na barangay sa Ilocos region.

Sa naturang data, 60 displaced families o 149 individuals ay inilipat sa evacuation center sa rehiyon habang ang 11 displaced families o 30 individuals ay naninirahan naman sa labas ng evacuation centers.