
Posibleng hindi pa makakamit ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang inaasam-asam nilang hustisya sa malagip na krimen.
Humirit kasi ang judge na humahawak sa kaso na si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis Reyes mabigyan pa siya ng extension para makapagbaba ng hatol.
Sa panig ng Department of Justice (DoJ) ipauubaya na raw nila sa Korte Suprema ang pagdedesisyon sa hiling ni Reyes na mabigyan pa ito ng isang buwang palugit bago magbaba ng desisyon sa kaso ng tinaguriang Maguindanao massacre.
Gayunman, umaasa si Guevarra na makakapaglabas na agad ng desisyon si Solis para mabigyan na ng hustisya ang pagpatay sa mga biktima.
Sa Nobyembre 23 na ang ika-10 taon ng malagim na trahedya na ikinamatay ng 58 katao na kinabibilangan ng 32 mamamahayag.
Humaharap sa 58 counts ng murder laban sa mahigit 100 akusado sa krimen kabilang na ang pangunahing akusado na si Andal Ampatuan Jr.
















